FB Likey

Monday, November 16, 2009

FAQ Sheet

Q: Bakit me FAQ sheet pa ang blog na ito?
A: Gusto ko lang. FAQ sheet! Sarap pakinggan di ba? FAQ sheet! FAQ sheet! FAQ sheet!

Q: San ba nanggagaling ang mga fortune cookie messages dito?
A: Sa... Ina Mo!

Q: Makatotohanan ba ang mga prediksyon ng fortune cookies dito?
A: Adik ka ba?

Q: Bumabasa ka din ba ng palad?
A: Halika dito, ibigay mo sa akin ang palad mo at susulatan ko tapos babasahin ko ang nakasulat...

Q: Gumagamit ka ba ng bolang kristal?
A: Hindi. Ang ginagamit ko e tawas crystals kasi nakakaputi ng kili kili. Subukan mo kasi ang itim ng kili kili mo.

Q: Bumabasa ka ba ng baraha?
A: Oo naman. Sample... Alas na heart, Queen na spade, Quadra dos, Full house. Pusoy ka dito!

Q: E saan mo nga nakukuha ang mga nakasulat sa fortune cookies dito?
A: Eto... Ano ang nasa dakong pa roon? Bunga ng malilikot na pag iisip, likha ng balintataw o halaw sa daigdig ng kababalaghan. Di kayang ipaliwanag ngunit alam mong nagaganap. Awoooooo!

Q: Pakxet!
A: FAQ sheet, pare. FAQ sheet...

Share

No comments:

Post a Comment

SHARE COUNT BUTTON